Monday, June 20, 2005

To Be or Not To Be

Nangako ako sa sarili ko ngayon that i will be involved not only in academic work but extra curricular as well. This is to widen my knowledge about the world at para na rin to meet new friends.

And there is one decision that I have to make ASAP. It is kung dapat ba akong mag-audition for the streetdance club o hindi. Gusto ko kc, well, because of the fame that goes with it and of course I have the passion to dance which I have noong high school pa. BUT, with a hectic study load at pamatay na mga majors, do I still have time to pursue it. Ayoko naman na basta na lang akong gagawa ng decision tapos in the end I will just quit.

Marami akong reasons na binibigay sa sarili ko kung bakit dapat at hindi dapat na ako sumali sa streetdance club. It's been a long time since I thought about it pero until now, wala pa rin akong concrete na final decision.

Sunday, June 19, 2005

No Boyfriend Since Birth

Oo. Tama kayo kabilang ako sa mga babae na kasama sa samahang ito. Pero hindi naman ibig sabihin noon na as in hindi ako nain-love. Wala lang talaga. Period.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ako ganoon. Minsan nga iniisip ko, hindi ba ako girlfriend material? O kaya panget ba ako? Hindi ko kasi alam kung bakit parang walang lumalapit sa akin o manhid lang talaga ako. Inaamin ko na may mga times na feeling ko hindi ako worthy. Hindi ko maiiwasan na maiingit sa mga friends ko na masaya ng love life. I often wonder na kailan ko rin kaya mararanasan iyon. Masyado kasi akong perfectionist e. Masyadong mataas ang standards ko.

Hindi ko ito sinasabi kahit kanino na minsan I do wish na sana ay I will be able to meet that person na pwedeng magmahal sa akin. It may sound mushy pero yun talaga iniisip ko minsan. Minsan nga I imagine na meron akong kasama na magiging happy ako.

Pero hindi man ako ganon ka-desperate to find someone. Masaya rin naman because of all the freedom that I have. I can do anything I want for myself.

I must say na kahit kasama ako na club ng no boyfriend since birth, proud pa rin ako dahil I can be a better person with the help no one but myself.